Connect with us

Capiz News

77 anyos na lolo sugatan matapos mahagip ng sasakyan

Published

on

disgrasya sa kalsada

Sugatan ang isang 77 anyos na lalaki matapos mahagip ng sasakyan sa Poblacion Ilaya, Panay, Capiz gabi ng Miyerkoles, Setyembre 2.

Kinilala sa report ng Panay PNP ang biktima na si Henry Billoso, residente ng naturang lugar.

Kinilala naman ang nakabangga na si

Romy Batay, 48, residente ng Purok 3, Brgy. Libas, Roxas City.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, tumatawid ng national highway ang biktima nang mahagip siya ng Toyota Avanza na menamaneho ng suspek.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay ang biktima at sugat sa iba pang bahagi ng katawan.

Agad namang isinugod ng kaniyang mga kamag-anak at ng driver ng sasakyan ang lolo sa Bailan District Hospital para gamutin.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *