Connect with us

Capiz News

77 anyos na babae patay sa COVID-19 sa Pilar, Capiz

Published

on

Isang 77-anyos na babae mula Pilar, Capiz ang patay matapos magpositibo sa COVID-19 pagkompirma ng lokal na pamahalaan.

Nabatid na binawian ng buhay ang nasabing pasyente araw ng Linggo habang ginagamot sa isang pribadong ospital.


Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pilar, residente ng Brgy. Dulungan ang namatay. Setyembre 2 umano nang isugod ito sa ospital matapos magkaroon ng masamang pakiramdam at agad na isinailalim sa swab test.

Matapos ang halos dalawang linggong pamamalagi sa ospital, binawian ito ng buhay dahil sa COVID-19 at sa sakit na pneumonia.

Sa kabilang dako, dalawang panibagong dagdag na kaso ng COVID-19 ang naitala ng Pilar. Ang mga ito ay pawang babae, 18-anyos at mga high-risk contact ng isang nagpositibo sa parehong sakit.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *