Connect with us

Capiz News

65-anyos na lalaki pinalakol ng pamangkin, patay sa Dao, Capiz

Published

on

Patay ang isang 65-anyos na lalaki matapos na pinalakol ng kaniyang pamangkin sa Sitio Bombahan, Brgy. Balucuan, Dao, Capiz.

Kinilala sa ulat ng Dao Municipal Police Station ang biktima na si Jose Villas habang ang suspek ay si Jomarie Legaspi, 45-anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nag-iinuman ang magtiyuhin nang magkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan na nauwi sa matinding pagtatalo.

Napikon ang tiyuhin dahilan para tagain niya ang suspek na tumama sa braso at sa mukha niya.

Hindi naman nagpatalo ang pamangkin at pinalakol niya ang biktima na tumama sa leeg.

Bagaman naisugod pa sa Dao District Hospital ang biktima, hindi na ito umabot pa ng buhay kasunod ng matinding sugat na tinamo sa kaniyang leeg.

Isinugod naman ang suspek sa Mambusao District Hospital kung saan siya patuloy na ginagamot.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *