Connect with us

Capiz News

64 anyos na lalaki na nagpositibo sa COVID-19, patay habang nasa ospital

Published

on

Isang 64-anyos na lalaki na COVID-19 positive ang binawian ng buhay habang ginagamot sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Nabatid na ang pasyente ay residente ng Sitio Sacop, Brgy. Culasi at walang travel history.


Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas matagal nang may sakit na diabetes at chronic kidney disease ang biktima bago paman ito tinamaan ng nasabing virus.

Isa pang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod araw ng Lunes — isang 23-anyos na anak ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Sitio Sacop, Culasi at kasalukuyang nakaadmit ngayon sa RMPH.

Kaugnay rito isinailalim na sa strict quarantine ang mga close contact ng mga nabanggit na pasyente at nakatakdang i-swab test.

As of August 24, ang Roxas City ay mayroong 47 nang kaso kung saan 23 dito ang aktibo, 20 ang nakarekober habang apat na ang namatay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *