Connect with us

Capiz News

64-anyos na babae natagpuang patay sa Tapaz, may mga saksak sa katawan

Published

on

Isang 64-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanilang palayan sa Brgy. Bagong Barrio, Tapaz, Capiz at may mga saksak sa katawan.

 


Kinilala sa report ng Tapaz PNP ang biktima na si Merlita Jimenez, residente ng nasabing lugar.

 

Ayon sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nakitaan ng sugat ng pananaksak ang biktima sa kanyang dibdib, sa kanyang tagiliran at sa likod.

 

Sabi ng anak nito na si Rogelio, umalis ng bahay ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga nitong Sabado pero maggagabi na aniya ng parehong araw ay hindi pa ito nakakauwi.

 

Sa pag-aalala ng anak ay hinanap niya ang biktima at laking gulat na lamang nito nang matagpuan na isa nang bangkay ang kaniyang ina.

 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo at sa pagtukoy sa suspek sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *