Connect with us

Capiz News

56-ANYOS NA MISTER ARESTADO SA KASONG PAGLABAG SA CHILD ABUSE LAW, ACT OF LASCIVIOUSNESS

Published

on

Arestado ang isang 56-anyos na mister sa Brgy. Poblacion Norte, Ivisan, Capiz sa kasong paglabag sa Child Abuse Law at Act of Lasciviousness.

Kinilala ang akusado na si Efren Flores alyas “Uncle Boy”, residente ng naturang lugar.

Ang akusado ay inaresto ng kapulisan nitong Biyernes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong paglabag sa Child Abuse Law Sec 5a ng Republic Act 7610 at Act of Lasciviousness (RPC Art 326).

Ang mga warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Presiding Judge Faustino Valenzuela Roxas Jr., Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 14, Roxas City nitong Nobyembre 25.

Php100,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa akusado sa kasong Child Abuse habang Php36,000 naman sa kasong Act of Lasciviousness.

Pansamantalang ikinulong ang akusado sa Ivisan PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Ang operasyon ay ikinasa ng Ivisan PNP Station sa pamumuno ni Gregg Anthony Salbang.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *