Connect with us

Capiz News

56-anyos na lalake arestado sa kasong Anti-Highway Robbery

Published

on

Arestado ang isang 56-anyos na lalake sa Brgy. Gibato, Dumarao, Capiz dahil sa kasong Anti-Highway Robbery.

Kinilala sa report ng Dumarao PNP ang akusado na si Jose Johny Ituriaga, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Isinerbe sa kaniya ng pinagsamang mga tauhan ng Dumarao PNP at Capiz Provincial Mobile Force Company ang warrant of arrest Miyerkoles ng umaga.

Ang kaso ay ibinaba ni Judge Esperanza Isabel Poco-Deslate ng Regional Trial Court 6, Branch 19, dito sa Roxas City noon pang Hunyo 2006.

Php40, 000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *