Connect with us

Capiz News

53 anyos na babae arestado sa kasong Estafa sa Roxas City

Published

on

Arestado ang isang 53-anyos na babae sa kasong Estafa sa Purok 1, Brgy. Libas, Roxas City, Capiz umaga ng Huwebes.

 


Kinilala ang akusado na si Marilou Ignacio, broker, residente ng nabanggit na lugar.

 

Siya ay inaresto ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Estafa under Article 316 of the Revised Penal Code, thru Falsification of Public Documents.

 

Ang kaniyang warrant ay ibinaba ni Lennie Ann Logronio, Presiding Judge, 5th Judicial Region, Roxas City nitong Hulyo 9.

 

Php36,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

 

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas City PNP, Intelligence and Investigation Section, at ng CIDG-Capiz.

 

Pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP Station ang akusado bago dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *