Connect with us

Capiz News

53-anyos na babae arestado sa drug buy bust operation sa sementeryo

Published

on

Arestado sa isang drug buy bust ang isang 53-anyos na babae sa sementeryo sa Brgy. Cabug, President Roxas, Capiz nito lang hapon ng Linggo.

 


Kinilala sa report ng President Roxas PNP ang suspek na si Oliva Dorado, residente ng Brgy. Enseñagan, Panitan, sa probinsyang ito.

 

Nasabat ng operating team ang anim lahat na sachet ng pinaniniwalaang shabu, Php6,000 na buy bust money na meron lamang Php500 na orihinal na pera at 5,500 na budol money, at cellphone.

 

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng President Roxas PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *