Connect with us

Capiz News

5 KATAO ARESTADO SA PAGLALARO NG PUSOY SA PRES. ROXAS, CAPIZ

Published

on

Arestado ang limang katao matapos maaktuhan ng kapulisan na naglalaro ng Pusoy sa Sitio Sinikway, Brgy. Poblacion, Pres. Roxas, Capiz.

Kinilala ang mga naaresto na sina Raginal Canite, 52-anyos, Johnny Dumaly, 50, Nati Dumaly, 58, mga residente ng nasabing lugar; Mary Jane Deter, 52, residente ng Sitio Revland; at Jonathan Baroquillo, 43, residente ng Brgy. Viscaya, ng nasabing bayan.


Todo Media Magazine

Narekober ng kapulisan sa lugar ang taya na nasa Php820, isang mesa, mga upuan, at isang set ng baraha.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng President Roxas PNP at Capiz 1st Mobile Force company dakong alas-2:27 ng hapon nitong Linggo.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa President Roxas PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o “Illegal Gambling.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *