Connect with us

Capiz News

47 anyos na lalaki natagpuan patay sa loob ng kanilang bahay sa Dumarao, Capiz

Published

on

Isang 47-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tinaytayan, Dumarao, Capiz.

Kinilala sa report ng Dumarao PNP ang biktima na si Romeo Domingo, residente ng nabanggit na lugar.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, dadalhan sana ng pagkain ng kaniyang kapatid ang biktima nang maabutan nito na wala nang buhay ang huli.

Nabatid na nag-iisa na lang ang biktima na nakatira sa kaniyang bahay at sinasabing nakakaranas ng mental disorder at nervous breakdown.

Naniniwala ang pamilya na posibleng bangungot ang ikinamatay ng lalaki.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *