Connect with us

Capiz News

46 anyos na mister patay matapos makuryente habang nangingisda

Published

on

Patay ang isang 46-anyos na mister matapos makuryente habang nangingisda sa Brgy. San Silvestre, Pilar, Capiz gabi ng Linggo.

Kinilala sa report ng Pilar PNP ang biktima na si Oliver Baclas, residente ng naturang lugar.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, pumuntang ilog ang biktima kasama ang isa niyang anak na si Richard para mangisda gamit ang live wire mula sa kanilang bahay.

Sabi ng asawa na si Mary Jane sa mga otoridad, aksidente umanong nadulas ang mister sa putikan at nahulog sa ilog kung saan nakakonekta pa ang live wire sa tubig.

Dahil rito nakuryente ang biktima. Dali-dali namang inalis ng pamilya sa pagkasaksak sa kuryente ang live wire.

Mabilis na isinugod sa Bailan District Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay batay sa deklarasyon ng doktor.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *