Connect with us

Capiz News

43-ANYOS NA LALAKI SINAKSAK HABANG NAGLALAKAD SA KALSADA SA IVISAN, CAPIZ

Published

on

Sugatan ang isang 43-anyos na lalaki matapos siyang saksakin sa Brgy. Agmalobo, Ivisan, Capiz habang naglalakad sa kalsada papauwi sa kanilang bahay.

Kinilala ang biktima na si Rexan Delos Santos, 43, isang electrician, residente ng Brgy. Matnog, Ivisan.


Todo Media Magazine

Kinilala naman ang suspek na si Rogel Undaloc, 20, construction worker, residente ng Brgy. Agustin Navarra, Ivisan.

Ayon sa report ng Ivisan PNP, naglalakad sa gitna ng kalsada ang biktima nang madaanan siya ng suspek sakay ng motorsiklo angkas ang tatlong menor de edad.

Nagkaroon umano ng pagtatalo sa dalawa nang awatin ito ng isa sa mga kasama ng suspek. Nagpatuloy umano sa paglalakad ang biktima. Ang hindi nito alam ay bumaba ang suspek sa motorsiklo at hinabol siya saka sinaksak ng sa likuran.

Agad na dinala sa ospital ang biktima para sa kaukulang paggamot habang naaresto naman sa isang joint operation ng mga tanod ng Brgy. Matnog, Brgy. Agmalobo at kapulisan ang suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.