Connect with us

Capiz News

40-anyos na lalaki arestado sa Pilar, Capiz sa kasong paglabag sa Anti-VAWC

Published

on

Arestado ang isang 40-anyos na lalaki sa Brgy. San Silvestre, Pilar, Capiz nitong hapon ng Huwebes sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Kinilala ang akusado na si Manuel Bautista y Aldea, may-asawa, residente ng naturang lugar.

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Pilar PNP sa pamumuno ni PCpt Rene Hare, hepe, sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba at pinirmahan ni Acting Presiding Judge Faustino Valenzuela Roxas Jr, ng Regional Trial Court, Branch 14, Roxas City, Capiz nito lang Setyembre 9.

Php36,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Pansamantala itong ikinulong sa Pilar PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *