Connect with us

Capiz News

4 taga-Capiz arestado sa buy bust operation sa Iloilo; 2 milyon halaga ng shabu narekober

Published

on

Arestado sa isang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) sa Balabag, Sta. Barbara, Iloilo ang apat na mga lalaki na mga tubong Capiz.

Kinilala ang mga suspek na sina Jan Herbert Roxas, 43-anyos ng Roxas City; Rudini Arabacan, 36, taga-Brgy. Cagay, Roxas City; Hersky Cabaslo, 43, ng Dumarao Capiz; at Roseler Villalba, 39, ng Dumarao, Capiz.


Nakuha sa posesyon ng mga suspek ang 19 lahat na sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu. Katumbas umano ito ng tinatayang Php2 million.

Batay sa RDEU, kinukuha ng mga suspek ang kanilang suplay sa syudad ng Roxas.

Nakakulong ngayon sa Sta. Barbara Police Station ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *