Connect with us

Capiz News

4 LALAKI HINULI NG KAPULISAN DAHIL SA ILIGAL NA PANGINGISDA SA PANAY, CAPIZ

Published

on

Hinuli ng Panay PNP ang apat na lalaki matapos iligal na nangingisda sa Panay Municipal Water madaling araw nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jl Dondonay, 25-anyos, boat captain, mga crew na sina Rodel Dondonay, 38, Jay Lorenzo, 42, at Danny Andrade, 43, mga residente ng Brgy. Libas,Roxas, City.

Nahuli ang apat na iligal na nangingisda na tinatawag na “pamana” with compressor na pagmamay-ari ng naturang boat captain na walang mayor’s permit.

Sila ay lumabag sa Municipal ordinance No. 03-02 series of 2003.

Kinumpiska sa kanila ang fishing boat kasama ang isang 16HP motor engine, isang compressor at mga accessories, tatlong pana at limang kilo ng iba-ibang mga isda.

Tinurn-over ng kapulisan ang mga nakumpiska sa MENRO-Panay para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *