Connect with us

Capiz News

37 anyos lalaki arestado dahil sa paggahasa umano sa isang Barangay Kagawad sa Panay, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 37-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na isinampa ng isang Barangay Kagawad sa Panay, Capiz.

Si Johnan Baes alyas Jun, walang asawa, residente ng Brgy. Navitas, sa nabanggit na bayan ay naaresto ng kapulisan nitong hapon ng Biyernes sa kanilang lugar.


Mababatid na buwan ng Marso, nagsumbong sa Panay PNP ang babaeng Kagawad dahil sa paggahasa umano sa kaniya ni alyas Jun bagay na pinabulaanan ng huli.

Kuwento ni alyas Jun noon, ang nangyari ay pareho nilang ginusto pero laking gulat nalang umano niya nang ipinaaresto siya ng kagawad.

Bagaman agad na naaresto si alyas Jun, nahulog sa regular filing ang kasong isinampa laban sa kaniya kasunod ng pagsusuri ng piskalya.

Nitong araw, Hunyo 19, ay ibinaba ni Presiding Judge Lorencito Diaz ng Regional Trial Court dito sa Roxas City, ang warrant laban sa akusado.

Ang warrant of arrest ay isinerbe ng mga tauhan ng Panay PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si PCapt. Marvin Balmes.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Panay PNP Station at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Walang piyansa ang kaniyang kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *