Connect with us

Capiz News

35-ANYOS NA LALAKI NATAGPUANG PATAY SA CR SA IVISAN, CAPIZ

Published

on

35-ANYOS NA LALAKI NATAGPUANG PATAY SA CR SA IVISAN, CAPIZ

Isang 35-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa loob ng CR sa isang abandunadong unit sa San Felipe Neri Yap Subdivision, Brgy. Sta. Cruz, Ivisan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Jesie Almanon Quirao, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Ivisan PNP, isang menor de edad ang unang nakakita sa nasabing biktima habang naglalaro umaga nitong Miyerkoles.

Duguan ang nasabing lalaki na nakahiga sa loob ng CR. Kapansin-pansin ang ilang sugat sa pulso ng biktima na pinaniniwalaang naglaslas ito.

Ayon sa pamilya, umalis ng bahay ang nasabing biktima nitong Martes at ito ay nakakaranas ng depresyon.

Isasailalim pa sa post mortem ang bangkay ng lalaki para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng lalaki habang nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang SOCO sa pinangyarihan ng insidente. (with report from KaTodo Butchoy Gardose)

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *