Connect with us

Capiz News

34 anyos na lalaki arestado sa buy bust operation sa Pres. Roxas

Published

on

Arestado ang isang 34-anyos na lalaki sa buy bust operation sa Brgy. President Roxas, Capiz gabi ng Huwebes.

 


Kinilala ang suspek na si Azur Macamay, residente ng naturang lugar, dati nang drug personality.

 

Nasabat ng operating team ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng Php500 buy bust money.

 

Anim pang sachet ng “shabu” ang narekober ng mga otoridad matapos rikisahin ang suspek.

 

Aabot ng isang gramo ang mga nakumpiskang droga ng kapulisan katumbas ng Php7,000 market value.

 

Ang operasyon ay ikinasa ng kapulisan ng Pilar PNP, Pontevedra PNP, at President Roxas PNP sa pangunguna ni Rachelle Garnica, hepe.

 

Nakakulong ngayon sa Pres. Roxas PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *