Connect with us

Capiz News

31-ANYOS NA BABAE ARESTADO SA KASONG QUALIFIED THEFT SA CUARTERO, CAPIZ

Published

on

Arestado ang isang 31-anyos na babae sa kasong qualified theft sa Brgy. Poblacion, Ilaya, Cuartero, Capiz nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang Rechell Ann Ememterio y Silva, 31-anyos, isang payroll clerk, ng nasabing barangay.

Ang operasyon ay ikinasa ng Cuartero MPS sa pamumuno ni PCPT Christian P Mahometano sa bisa ng warrrant of arrest sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Art. 310.

Php120,000 ang itinakdang pyansa ng korte.

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Presiding Judge Alma Nonato Banias-Delfin, ng Branch 15, 6th Judicial Region, Roxas City, Capiz nitong December 21, 2021.

Nasa kostudiya ngayon ng Cuartero PNP ang nasabing suspek para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *