Categories: Capiz News

30-ANYOS NA LALAKI SINAKSAK SA CUARTERO, CAPIZ

Sugatan ang isang 30-anyos na lalaki matapos siyang saksakin habang nakahiga sa kaniyang kwarto sa Sitio Nato, Brgy. Malagab-i, Cuartero, Capiz.

Kinilala sa report ng Cuartero PNP ang biktima na si Sanvi Batoleño, 30-anyos, residente ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang suspek na si Isidro Batoleño, 42, isang magsasaka, residente rin ng naturang barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakahiga sa kaniyang kuwarto ang biktima nang bigla nalang umanong pumasok ang suspek at sinaksak ang una. Tinamaan ang biktima sa kaniyang kaliwang kamay.

Nagawa ng biktima na harangin ang suspek at nakatakbo papalabas ng kanilang bahay at humingi ng tulong sa mga tao.

Tumakas rin ang suspek matapos maaktuhan ng kapatid ng biktima.

Agad na dinala sa ospital ang biktima habang pinaghahanap naman ng kapulisan ang suspek.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

1 day ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago