Connect with us

Capiz News

3 katao kasama ang isang menor de edad, arestado sa ilegal na sabong sa Ivisan

Published

on

Arestado ang tatlong katao kasama ang isang menor de edad matapos magsagawa ng ilegal na sabong sa Sitio Bagaas, Brgy. Malocloc Norte, Ivisan.

Kinilala ang mga suspek na sina Salvador Amosin, 37-anyos, residente ng nasabing lugar; Oliver Balboa, 27, residente ng Brgy. Chiquito, Panay; at isang menor de edad.

Narekober ng kapulisan ang dalawang manok panabong, dalawang tahid, at Php1,200 na taya sa nasabing iligal na sabong.

Parehong nasa kostudiya ngayon ng Ivisan Municipal Police Station ang dalawang suspek habang tinurn-over naman sa Women and Children Protection Desk ang menor de edad.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *