Arestado ang isang 29-anyos na lalaki sa Sitio Agnaripay, Brgy. Agsirap, Dumarao, Capiz sa kasong Murder umaga nitong Huwebes.
Kinilala ang akusado na si Jesery Gonzales y Agadia, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Siya ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Dumarao PNP sa pamumuno ni PCpt. Jhon Almarino Bonior, hepe, 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company at ng SAF.
Isinerbe ng operatiba ang warrant of arrest laban sa akusado na ibinaba at pinirmahan ni Presiding Judge Lorencito Diaz ng RTC 6 Judicial Region Branch 16 Roxas City, Capiz nitong Abril 7.
Walang itinakdang pyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantala itong ikinulong sa Dumarao PNP Station para sa kaukulang disposisyon.
Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…
NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…
BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…
Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…
NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…
AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…