Connect with us

Capiz News

27-anyos na lalaki arestado sa kasong attempted murder sa Cuartero, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 27-anyos na lalaki sa Sitio Viscaya, Brgy. Lunayan, Cuartero, Capiz gabi ng Miyerkoles, Hunyo 17, sa kasong attempted murder.

Kinilala sa report ng kapulisan ang akusado na si Raymund Bermudo y Bermejo, 27-anyos, laborer at residente ng nabanggit na lugar.


Siya ay inaresto ng kapulisan sa bisa ng Order of Arrest na ibinaba at nilagdaan ni Hon. Kristine B. Tiangco-Vinculado, RTC Branch 16, Hall of Justice, Roxas City nito lang Hunyo 16.

Php120,000 ang itinakda ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Temporaryo itong dinala sa Cuartero PNP Station bago dinala sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *