Connect with us

Capiz News

26 anyos na lalaki, arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Isang 26-anyos na lalaki ang inaresto ng kapulisan sa Brgy. Bailan, Pontevedra matapos mahuling nagnanakaw ng motorsiklo gabi ng Linggo.

Kinilala sa report ng Pontevedra PNP ang suspek na si Eldie Bacelonia, isang construction worker, residente ng Sitio Dungon, Brgy. Naurok, Panay, Capiz.


Kinilala naman ang biktima na si Mark Vicson Dela Cruz, 32-anyos, isang driver at residente ng Brgy. Bailan, Pontevedra.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, naaktuhan umano ng biktima ang suspek na kinuha at dinala ng ang kaniyang motorsiko dahilan para sumigaw ito ng saklolo.

Agad namang rumesponde ang mga nakaduty na tanod at kasama ang biktima ay hinabol nila ang suspek hanggang sa ito ay maaresto.

Itinurn-over nila ang suspek sa mga nagpapatrolyang mga kapulisan.

Nasa kostudiya ngayon ng Pontevedra PNP ang suspek at posibleng sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *