Connect with us

Capiz News

21 anyos na lalaki patay matapos masaksak ng ama sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos siyang masaksak ng ama sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz gabi ng Huwebes.

Kinilala sa report ng Pontevedra PNP ang namatay na si Sunny Boy Demo habang kinilala naman ang kaniyang ama na si Nestor, 59, mga residente ng naturang lugar.


Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, umuwing lasing si Sunny Boy at sa hindi malamang rason ay pinagpapalo niya ang ama at isang kapatid niyang lalaki habang natutulog.

Sinubukan pang awatin ng ina si Sunny Boy subalit hindi ito nagpapagil dahilan para kumuha ng kutsilyo ang ama at saksakin ang anak.

Huli na nang matanto ng ama ang kaniyang naggawa. Depensa niya, naalimpungutan ito nang maggawa ang pagsaksak sa anak.

Mabilis na dinalas sa ospital ang lalaki pero hindi na ito umabot ng buhay.

Wala namang matukoy na dahilan ang suspek para magawa ng anak ang pamamalo sa kaniya at isa pa niyang kapatid maliban lamang sa kalasingan.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Pontevedra PNP Station ang suspek matapos siyang sumuko. (with report from KaTodong Butchoy Gardose)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *