Connect with us

Capiz News

23 katao hinuli dahil sa iligal na pangingisda sa bayan ng Pilar

Published

on

Hinuli ng kapulisan ang 23 katao matapos iligal na nangingisda sa Pilar Municipal Bay sa bayan ng Pilar, Capiz gabi nitong Lunes.

Ang mga nahuli ay halos mga taga-Carles sa Iloilo.


Ayons sa report ng Pilar PNP, na-ispatan ng Bantay Dagat-Pilar kasama ang tauhan ng Pilar PNP na nadestino bilang Bantay Dagat ang limang motorbanca na “BALING” na nangingisda sa nasabing karagatan.

Dahil rito, inusisa ng mga otoridad kung may mga kaukulang permit sila subalit walang mapakita ang mga ito dahilan para sila ay hulihin sa paglabag sa Municipal Ordinance Number 01 Series of 1999 Chapter 7 Section 56.

Kinumpiska ng kapulisan ang limang motorbanca, limang engine, limang fish finder device, at limang fine mesh net.

Ang mga nakumpiska at mga suspek ay nasa kostudiya ngayon ng Bantay Dagat para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *