Connect with us

Capiz News

2 lalaki pinagtataga sa bayan ng Sigma, isa patay

Published

on

Isa ang patay habang isa ang malubhang sugatan matapos pagtulungang saksakin at pagtatagain ng tatlong suspek sa Brgy. Mangoso, Sigma, Capiz.

Kinilala ang namatay na si Mario Marsan, 44-anyos, isang driver, habang ang kasama nitong sugatan ay si Isidro Jeroso, 59, isang magsasaka, parehong mga residente ng naturang lugar.


Kinilala naman ang mga suspek na sina Crisaldo Berlarmino, 50, Cristian Belarmino, 19, at Antonio Villan Jr., mga residente ng parehong barangay.

Batay sa report ng Sigma PNP, sumugod umano ang biktima na si Mario sa bahay ng suspek na si Crisaldo at nagkaroon sila ng pagtatalo.

Sinubukan umano ng biktima na si Isidro na awatin ang dalawa pero nauwi ito sa kaguluhan kung saan pinagtataga at pinagsasaksak ng mga suspek ang mga biktima.

Nagtamo ng sugat ng pananaga sa tiyan si Isidro pero nakauwi ito at dinala sa ospital pero ang biktima na si Mario ay naabutan ng kapulisan sa gate ng bahay ng suspek na may saksak at sugat ng pananaga sa iba-ibang bahagi ng katawan. Dinala pa ito sa ospital sa Dao pero hindi na umabot pa ng buhay.

Naka-hospital arrest ang suspek na si Crisaldo matapos magtamo rin ng sugat sa katawan. Tinutugis pa ang dalawang mga kasama nito matapos tumakas kasunod ng insidente.

Narekober ng kapulisan ang itak at kutsilyo na ginamit sa krimen habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *