Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos makuryente sa Pilar, Capiz

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos itong makuryente sa Brgy. Dulangan, Pilar, Capiz gabi nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Eldan Aristotelas, isang manggagapas ng tubo, residente ng nabanggit na lugar.


Ayon sa report ng Pilar PNP, nagwi-welding umano ang nasabing biktima ng kaniyang top-down ng ito ay makuryente.

Sinasabing naapakan umano ng biktima ang kable ng kuryente dahilan ng insidente.

Nabatid na matapos makuryente, natumba ang biktima at nahampas ang ulo sa top down.

Isinugod sa ospital ang nasabing lalaki pero dineklara ito ng doktor na patay na nang dumating.

Nabatid na walang suot na damit at tsinelas ang biktima nang maganap ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *