Connect with us

Capiz News

Prime suspect sa pagpatay kay Kapitan Asis ng Brgy. Lawaan, Roxas City natimbog na

Published

on

Natimbog na ng kapulisan ang prime suspect sa pagpatay kay Punong Barangay Elvis Asis ng Brgy. Lawaan, Roxas City noong Abril 2018.

Kinilala ang akusado na si Joey Bacus y Cumawas alyas Tata Bacus.


Ang akusado ay sangkot sa mga illegal gambling at iba pang iligal na aktibidad kabilang na ang gun for hire sa Roxas City at sa iba pang lugar sa Capiz.

Siya ay may standing warrant na ibinaba at nilagdaan ni Kristine Tiangco-Vinculado, judge, Regional Trial Court 6th Judicial Region Branch 16 dito sa Roxas City.

Inaresto ito ng kapulisan sa Brgy. Bucana sa Nasugbu, Batangas nitong Mayo 10 matapos mahulihan ito ng .45 calibre ng baril sa isang checkpoint.

Pansamantalang ikinulong sa Nasugbu PNP Station ang suspek. Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.

Dati na itong nakulong sa kasong Homicide noong 2011 pero nakalaya rin matapos makipag-areglo sa kaniyang mga biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *