Connect with us

Capiz News

31-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA KASONG RAPE SA PANAY, CAPIZ

Published

on

Arestado ang isang 31-anyos na lalaki sa Brgy. Bago Chiquito, Panay Capiz dahil sa kasong Rape tanghali nitong Biyernes.

Kinilala ang akusado na si Joel Lopez y Estrella, 31, residente ng nasabing lugar.


Siya ay inaresto ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest sa tatlong counts ng Rape base sa Revised Penal Code Article 266-A o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discremination Act of Republic Act 7610.

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Faustino Roxas Jr., Presiding Judge, RTC, 6th Judicial Region, Branch 14, Roxas City nito lang Mayo 12.

Walang pyansa na itinakda ang korte para sa pansamantala nitong paglaya.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Panay PNP sa pamumuno ni PLt. Francisco Umiten Jr., hepe, kasama, ang HPG Capiz, CIDG 6 Capiz.

Pansamantalang ikinulong sa Panay PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *