Connect with us

Capiz News

Wanted sa kasong Roberry, arestado matapos kumuha ng police clearance sa Roxas City

Published

on

Arestado ang isang lalaki na kukuha sana ng police clearance sa Roxas City PNP Station nang mapag-alaman na may standing warrant of arrest ito.

Kinilala ang akusado na si Rodulfo Apruebo, 44-anyos, residente ng New Road, Brgy. Banica, Roxas City.


Nahaharap ang lalaki sa kasong Robbery. Ang warrant ay ibinababa ng NCJR Branch 57 Makati City noong September 2012.

Php180,000 ang pyansang itinakda ng korte sa kasong ito.

May kaso rin itong Unjust Vexation kung saan ang warrant ay ibinaba ng NCJR Branch 60 sa Mandaluyong City noong Pebrero 2013. Php2,000 ang pyansa sa kasong ito.

Nakakulong na ngayon ang akusado sa Roxas City PNP Station at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *