Connect with us

Capiz News

Lalaki sinaksak-patay sa Panay, Capiz

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos sinaksak ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Linateran, Panay, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Arman Rodico, 36-anyos, residente ng nasabing lugar.


Batay sa report ng kapulisan, Linngo ng gabi nang natagpuan ang nasabing lalaki na nakalutang sa tabing ilog at duguan ang batok.

Isinugod pa sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang nasabing lalaki pero dineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang lalaki sa madilim na bahagi at walang kabahayan. May natagpuan sa kaniyang tabi na isang pinutol na kawayan na may mga dugo na posibleng ginamit sa pagsaksak sa kaniya.

Bago ito, nakipag-inuman pa umano ang biktima sa bahay ni Rodolfo Barredo kasami si Edelberto Bosico at nagdulot ng iskandalo at pinagbabasag ang mga bote at nanghahamon ng away.

May mga person of interest na ang kapulisan habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *