Connect with us

Capiz News

Lalaki sinaksak sa lamay sa Sapian, Capiz

Published

on

sinaksak

Sugatan ang isang 19-anyos na lalaki matapos siyang saksakin sa isang lamay sa Brgy. Damayan, Sapian, Capiz.

Kinilala sa report ng Sapian PNP ang biktima na si Reneboy Ladoc, residente ng nasabing lugar, habang ang suspek ay si Nelo Gardose.


Ayon sa imbestigasyon ng Sapian PNP, nagsusugal ang biktima kasama ang kapatid at pinsan nito sa nasabing lamay nang lapitan at saksakin siya ng suspek.

Agad na isinugod sa Mambusao District Hospital ang biktima para sa kaukulang medikasyon habang nakatakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Sinasabing dating alitan ang sanhi ng nasabing krimen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *