Connect with us

Capiz News

42 anyos na lalaki na sangkot sa iligal na droga, arestado

Published

on

Arestado ang isang 42-anyos na lalaki sa Roxas City na isang most wanted person dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Si Anthony Tullo, 42-anyos, residente ng San Roque St., Brgy. Inzo, Roxas City, ay naaresto ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest nitong Biyernes sa Cabral, Brgy. Dayao, dito sa lungsod.


Ang akusado ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Section 5, Section 11, at Section 12.

Walang pyansa ang unang dalawang kasong nabanggit habang Php40,000 naman ang pyansa sa pangatlong kaso para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Ang warrant of arrest ay ibinaba at nilagdaan ni Lorencito Belo Diaz, Presiding Judge, RTC , Branch 17, Roxas City nitong Mayo 5.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Roxas City PNP kasama ang CIDG Capiz, Capiz, AVSEGROUP, at RAPS ASU6.

Pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *