Connect with us

Capiz News

Roxas City Council mariing kinokondina ang pagpatay kay John Heredia

Published

on

Mariing kinokondena ng Sangguniang Panglungsod ng Roxas City ang walang-awang pagpatay sa Administrator ng Panay at dating broadcast journalist na si John Heredia.

Nagpasa ng resolusyon si Konsehal Ivan Baticados para kondinahan ang pagpatay sa nasabing opisyal. Sinang-ayunan naman ito ng konseho.

Matatandaan na si Heredia ay pinagbabaril ng riding in tandem dakong tanghali araw ng Linggo sa harap ng isang hardware sa Brgy. Lawaan sa lungsod na ito.

Ipinanawagan rin sa nasabing resolusyon ang masusing imbestigasyon ng kapulisan para sa ikadarakip ng mga suspek.

Nagpaabot rin ang konseho ng kanilang pakikiramay sa asawa at mga naulila ng nasabing town administrator.

Samantala, sa kaniyang diskurso prebelihiyo nagpahaya ng pagkabahala sina Konsehal Midelo Ocampo at Konsehal Moring Gonzaga sa mga kriminalidad na nagaganap sa lungsod.

Nanawagan si Konsehal Gonzaga sa mga otoridad na kung maaari ay ibalik ang checkpoint sa mga entry point sa lungsod.

 

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *