Connect with us

Capiz News

Motorsiklo nabangga ng isa pang motor sa Pontevedra, 3 sugatan

Published

on

Sugatan ang tatlong katao matapos mabangga ng isang motorsiklo ang isa panh motor sa Brgy. Tabuc, Pontevedra, Capiz.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Sandy Villanueva, 63-anyos, residente ng nabanggit na lugar; Rosanito Llorente, 38, residente ng Brgy. Sinabsaban, Maayon; at si Mark Desales, 36, residente ng Brgy. Tapulang, Maayon.

Ayon sa report ng Pontevedra PNP, naganap dakong alas-4:30 ng hapon nitong Lunes habang nagmamaneho ng motorsiklo si Llorente angkas si Desales galing sa bayan ng Maayon.

Pagdating umano sa pinangyarihan ng insidente ay nabangga ng kanilang motorsiklo ang motorsiklo na menamaneho ni Villanueva na kanilang sinusundan at lumiko pakaliwa.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang tatlo at dinala sa magkahiwalay na mga ospital para gamotin.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *