Connect with us

Capiz News

3 lalaki arestado sa kasong Homecide sa Dumarao, Capiz

Published

on

Arestado ang tatlong kalalakihan sa kasong Homecide sa magkasunod na operasyon sa Brgy. Tina, Dumarao, Capiz.

Kinilala ang mga akusado na sina Ranilo Ternura Benesio, 42-anyos, John Solis Agustin, 38, mga residente ng nabanggit na lugar, at Ricky Ternura Benesio, 45, residente ng Brgy. Nagsulang, Lemery, Iloilo.

Ang tatlo ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng CIDG Capiz PFU at ng Dumarao PNP Huwebes ng umaga sa bisa ng warrant of arrest.

Ang mga warrant ng mga akusado ay ibinaba at nilagdaan ni Esperanza Isabel E Poco Deslate, Presiding Judge, RTC, Branch 19, Roxas City nito lang Abril 26.

Php120,000 ang pyansang itinakda ng korte para sa pansamantalang paglaya ng mga ito.

Ang mga akusado ay pansamantalang ikinustodiya ng CIDG Capiz PFU para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *