Connect with us

Capiz News

Mayor Ecolin nanawagan sa mga taga-Pres. Roxas na sumunod sa mga health protocols

Published

on

Muling nanawagan si Mayor Tanoy Escolin sa mga residente ng President Roxas, Capiz na sumunod sa mga health protocols kasunod ng 14 panibagong kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan.

Ayon kay Escolin, 13 sa mga nagpositibo ay naka-close contact ng isang miyembro ng PDRRMO. Kabilang din aniya sa mga nagpositibo ay isang miyembro ng PNP.

Bago lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 ang nasabing miyembro ng PDRRMO ay nakipag-inuman pa ito sa kanilang lugar.

Humingi na ng augmentation ang alkalde sa mga kabarangayan para sa mga tanod na magbantay sa SWA at sa kanilang merkado publiko kung saan may maraming naitalang kaso.

Nanawagan ito lalo na sa mga residente ng SWA na huwag labas nang labas sa kanilang residensya para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *