Connect with us

Capiz News

Magsasaka sugatan matapos tagain ng kainuman

Published

on

Sugatan ang isang magsasaka matapos itong tagain ng kapwa nito magsasaka na nakainuman niya sa Dumarao, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Jan-Jan Vergara 31-anyos, residente ng Sitio Mahabang Sapa, Brgy. Malonoy, Dumarao habang ang suspek ay kinilala namang si Rolly Hauder, 40.

Batay sa imbestigasyon, magkasama sa inuman ang dalawa nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan. Dahil rito, sinuntok umano ng biktima ang suspek.

Gumanti naman ang suspek nang tagain nito ang biktima na natamaan sa kaniyang kaliwang kamay.

Agad namang isinugod ang biktima sa Senator Gerardo Roxas Memorial District Hospital para sa kaukulang paggamot habang sumuko naman ang suspek sa kapulisan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *