Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos hampasin ng bato sa ulo ng pamangkin

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos hampasin ng bato sa Brgy. Malapad, Cogon, Sigma, Capiz Miyerkoles ng hapon.

Kinilala sa report ng Sigma PNP ang biktima na si Digno Olithao, 53-anyos, may asawa habang ang suspek ay kinilala naman na si Lony Olithao, 39, mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, naglalakad umano ang dalawa na parehong nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin kasama si Nestor Duron nang magkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Dahil rito, kumuha ng piraso ng bato ang suspek at hinampas sa likod na bahagi ng ulo ang biktima dahilan para ito ay matumba.

Isinugod ng mga tauhan ng Sigma Response Team ang biktima sa Sen. Gerardo Roxas Memorial Hospital sa Dao, Capiz pero dineklara itong dead on arrival ng doktor.

Pinaniniwalaang may dati nang alitan ang dalawa na posibleng naungkat dahil parehong nakainom ang mga ito.

Nasa kostudiya ngayon ng Sigma PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *