Connect with us

Capiz News

Don Chiyuto at Madam O kinasuhan na ng NBI-6

Published

on

Nagsampa na ng kasong Large Scale Estafa ang National Bureau of Investigation region 6 sa Roxas City Prosecutor’s Office kontra kay Patroceño Chiyuto o Don Chiyuto.

Nabatid na 20 na mga investors ni Don Chiyuto sa kaniyang “double-your-money” investment scheme ang nagreklamo sa NBI 6.

Nabatid na nasa Php70-M to Php80-M ang ininvest ng mga nagrereklamo sa Creative Wealth Document Facilitation Services (CWDFS) na pagmamay-ari ni Chiyuto ang hindi na nila nabawi.

Sinampahan rin ng NBI ng kaso si Junelyn Obamos o Madam O na ‘CEO’ ng 25 days investment scheme.

Matatandaan na naunsyami noong nakaraang linggo ang pagsasampa ng kaso ng NBI sa City Prosecutor’s Office dahil sa kakulangan ng mga dokumento.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *