Connect with us

Capiz News

Lalaki pinagbabaril sa Tapaz, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng kaniyang pinsan sa Brgy. Artuz, Tapaz, Capiz

Kinilala ang biktima na si Joie Villanueva Genodia habang kinilala naman ang suspek na si Peter Paul Floro Villanueva, mga nasa legal na edad at mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Tapaz PNP, bago naganap ang insidente ay nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang kuya nito na si Renante Genodia.

Sa galit ng biktima ay bumunot umano ito ng itak at tatagain na sana ang kapatid nang dumating ang suspek at pinagsabihan ang biktima na tumigil pero hindi umano ito nakinig kaya pinagbabaril niya ito.

Nagtamo ng sugat ng pamamaril sa kamay, tiyan, at paa ang nasabing biktima. Mabilis siyang dinala sa ospital para gamotin.

Mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang insidente.

Narekober ng mga otoridad ang tatlong basiyo ng caliber .45 sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *