Connect with us

Capiz News

Iligal na sabungan sa Panitan, Capiz sinalakay ng kapulisan

Published

on

Sinalakay ng kapulisan ng Panitan PNP ang isang sabungan sa Sitio Banta-aw, Brgy. Cogon, Panitan, Capiz.

Ayon sa report ng Panitan PNP, 10 katao ang mabilis na nagsipagtakbo at tumakas sa kanilang pagsalakay dakong alas-11:45 ng umaga araw ng Linggo.

Narekober ng mga otoridad sa lugar ang anim na panabong na manok kung saan apat dito ang buhay, isang sugatan, at isang patay.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Plt. Merry Chris Dela Cruz kasama ang limang miyembro ng Panitan PNP sa pamumuno ni PMaj. Christopher Candelario, hepe.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *