Connect with us

Capiz News

2 lalaki kakasuhan sa pagpatay sa isang magsasaka sa Mambusao, Capiz

Published

on

Nakatakdang sampahan ng kaso ang dalawang lalaki na mga suspek sa pananaga-patay sa isang magsasaka sa Sitio Minoro, Brgy. Bula, Mambusao, Capiz.

Kinilala ang mga suspek na sina Nolly Eliseo, 33-anyos, Rodolfo Olino, residente ng nasabing barangay.

Kinilala naman ang biktima na si Jose Sorio, 35, residente rin ng nasabing lugar.

Ayon kay PSSg. Ryan Villas, imbestigador ng Mambusao PNP, maaaring maharap sa kasong murder ang dalawa. Isasampa umano ang kaso sa pamamagitan ng regular filing.

Naganap ang insidente Biyernes ng gabi kung saan batay sa inisyal na imbestigasyon, bigla nalang pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima at pinagtataga ito ng suspek na si Eliseo.

Nabatid na pinagbibintangan ng suspek ang biktima na nagnakaw umano ng kaniyang bigas at saging.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *