Connect with us

Capiz News

Online seller na-scam ng nasa Php500-K na halaga ng cellphone

Published

on

Umabot sa nasa kalahating milyong halaga ng mga unit ng cellphone ang na-scam mula sa isang 18-anyos na online seller dito sa Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Lorraine Joy Fabrigar habang kinilala naman ang suspek na nakatransakyon nito sa social media na si Kristine Joie Lolo, 30-anyos, ng Pavia, Iloilo.

Ayon sa biktima, nagsimula ang kanilang transakyon noong Enero kung saan nag-order ng anim na unit ng cellphone ang nasabing suspek pero nabayaran naman umano ito.

Dahil sa tiwala ng biktima muli nitong pinaorder ang suspek sa buwan ng Pebrero. Nasundan pa umano ito ng ilan pang transaksyon kung saan personal pang nagtungo ang suspek dito sa lungsod para kunin ang mga cellphone sa biktima.

Nabatid na 90 mga unit ng cellphone ang nakuha ni Kristine na hindi na nito nabayaran hanggang ngayon. Nasa Php500 libo ang halaga nitong lahat.

Sa una marami umanong dahilan ang suspek kapag sinisingil ito at ngayon ay hindi na makontak pa. Huli nitong nakausap sa social media ang suspek noong Abril 4. Sinasabing blinak pa siya ng suspek sa kaniyang social media account.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *