Connect with us

Capiz News

Menor de edad sugatan matapos mabangga ng jeep ang sinasakyang motorsiklo

Published

on

Sugatan ang isang 17-anyos na lalaki matapos mabangga ng jeep ang kaniyang menamanehong motorsiklo sa Brgy. Bailan, Pontevedra, Capiz.

Ang nasabing menor de edad ay residente ng Brgy. Rizal sa nasabing bayan.

Kinilala naman ang driver ng jeep na si Carlos Dacles, 44-anyos, residente ng Brgy. Cogon, Panitan, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng Pontevedra PNP, nag-overtake umano ang jeep nang makasalubong nito ang motorsiklo mula sa kabilang direksyon.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang biktima at dinala sa Bailan District Hospital. Nakalabas din ito matapos malapatan ng kaukulang paggamot.

Ayon sa kapulisan, nagkaayos rin ang magkabilang panig.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *