Connect with us

Capiz News

2 sugatan matapos maatrasan ng truck ang isang tindahan sa Dumalag, Capiz

Published

on

Sugatan ang dalawang katao matapos aksidenteng naatrasan ng isang 6 wheeler truck ang isang tindahan sa Brgy. Sta. Monica, Dumalag, Capiz.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Erlinda Jaueo, 78-anyos, residente ng nasabing lugar at ang driver ng truck na si Regorberto Dasoy 51, residente ng Brgy. Santa Cruz sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Dumalag PNP, naaberya ang nasabing truck sa pataas na bahagi ng kalsada. Kinalsuhan umano ng driver ng bato ang kariton ng truck pero pumihit ito at umatras ang sasakyan.

Naapakan ng sasakyan ang paa ng driver habang nasapol naman ang tindahan na yari sa lights materials na pagmamay-ari ni Punong Barangay Ramie Fadriga. Sugatan ang bantay ng tindahan na si Jaueo.

Parehong isinugod sa ospital ng rumesponding mga tauhan ng Dumalag Emergency Response Team ang dalawa.

Nagtamo ng pinsala ang nasabing truck pati na ang sasakyan na malapit sa tindahan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *