Connect with us

Capiz News

Libreng sakay sa mga mini-bus sa Roxas City aarangkada ngayong araw

Published

on

Aarangkada na ngayong araw, Abril 19, ang libreng sakay sa mga mini-bus o jeepney dito sa Roxas City.

Ayon sa Roxas City Integrated Transport Terminal (RCITT) 10 unit ng mini-bus ang bibiyahe para sa libreng sakay mula Barra/Libas at Dumolog and vice versa.

Ang libreng sakay ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi. Magtatagal ito hanggang Hunyo 30.

Mahigpit namang ipinapaalala sa mga mananakay ang pagsunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield. Edad 16-anyos hanggang 60-anyos lamang ang papayagan makasakay.

Ito ay programa ng Panay Island Transport Service Cooperative (PITSC) kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *