Connect with us

Capiz News

Byahe mula NCR patungong Roxas City pinasususpinde ni Mayor Dadivas

Published

on

Pinasususpinde muna ni Mayor Ronnie Dadivas ang byahe mula sa National Capital Region papasok ng Roxas City sa loob ng 10 araw.

Ayon kay Dadivas kaugnay ito ng biglang pagtaas ng COVID-19 sa lungsod simula Abril 5.

Naniniwala ang alkalde na papaboran ng National Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (NIATF) ang hirit na suspensyon ng byahe mula Abril 20 hanggang Abril 30 papasok ng Roxas City.

Sinabi ni Dadivas sa kaniyang Facebook post na batay sa DOH FASSSTER Tool Projection posibleng umakyat sa 311 ang positibong kaso ng virus sa lungsod kapag walang agarang aksiyon ang gobyerno lokal.

Batay sa report nitong Abril 16, ang Roxas City ay mayroong 64 aktibong kaso, 695 na nakarekober na, 42 ang namatay, o kabuuang 801 kompirmadong kaso ng COVID-19.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *